PANANAWAting mithiin na maging isang Komunidad ng mga Disipulo ni Kristo na nililiwanagan ng Salita ng Diyos at binubuhay ng Banal na Eukaristiya, nakikipagtulungan upang makamtan ang Kaharian ng Diyos sang-ayon sa ating kakayahan mula kay Kristo, na iniukol sa iba't ibang ministeryong nilikha at inatasan ng Obispo, upang ang misyon ni Kristo ay maisabuhay at maibahagi sa komunidad, isang misyon na kumikilala sa maka-sanlibutang pagmamahal ng Diyos at ang pagbibigay sa mga mahihirap at mga inaapi.
|
MISYONSa pag-udyok ng Banal na Espiritu na itaguyod ang karunungan at pagmamahal sa Diyos Ama sa pakikiisa ng Diyos Anak, aming iniaalay ang sarili bilang isang Kristiyanong Komunidad upang isiwalat ang Salita ng Diyos sa lahat ng antas ng buhay, mula sa mga pamilya tungo sa mga tanggapan, mga purok at barangay, na batid ang pangangailangan na mabago ang Komunidad upang tunay na maging saksi ni Kristo sa pamamagitan ng wastong Ebanghelisasyon, na laging isinasaisip ang pag-angat ng mga mahihirap na gutom sa Salita ng Diyos at ang lahat ay ayon sa paanyaya ng Mahal na Ina, ang perpektong halimbawa ng pananampalataya.
|